-- Advertisements --

Hinimok ni Supreme Court Associate Justice Ramon Paul L Hernando, Chairperson ng 2023 BAR Examination ang mga bagong abogado ng bansa na laging sundin ang saligang batas.

Ginawa ng mahistrado ang pahayag kasabay ng isinagawang oath taking at roll signing ng mga bagong abogado sa SMX Convention Center sa lungsod ng Pasay.

Binigyang diin ni Hernando ang kahalagahan ng palagiang pagsunod sa batas.

Pinaalalahanan rin nito ang mga bagong bagado na ang relaxation of rules ay exception lamang at hindi ito maituturing na general rule.

Hindi rin aniya maaaring gamitin ng mga ito ang otoridad na ipinagkaloob sa kanila upang takasan ang tamang pagsunod sa batas.