-- Advertisements --

Labis na ikinatuwa ng 2020/21 Bar Chairperson Marvic Leonen ang naging turnout ng mga examinees ng bar exam ngayong araw matapos maipagpaliban ng ilang beses.

Sinabi ni Leonen na nasa 96.5 percent ang turnout ng eksaminasyon ngayong taon at itinuturing niya itong good.

Aniya, mula sa kabuuang aplikante na 11,790 nasa 11,378 ang mga nakapag-take ng bar exam sa unang araw ng eksaminasyon.

Aniya, ang mahigit 11,000 na nag-take ng bar ay ang pinakamaraming bilang ng mga bar examinees matapos maantala ang bar examination ng dalawang taon.

Kung maalala, tatlong beses naipagpaliban ang bar exam dahil pa rin sa pandemic na kinahaharap ng ating bansa.

Samantala, labis namang ikinalungkot ni Leonen matapos magpositibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang mahigit 100 bar hopefuls.

Dahil dito, plano na ngayon ng Korte Suprema na isauli na lamang ang application fee ng mga ito.

Maayos namang nagtapos ang bar exam ngayong araw dakong alas-5:50 kanina at itutuloy ito sa Linggo.

Kung maalala, 2019 pa huling nagkaroon ng bar examination at nasa 27.36 percent lamang ang passing rate.

Mula sa 7,685 na nag-take ng exam, nasa 2,103 lamang ang pumasa.

Mas mababa naman ang passing rate noong 2018 na 22.07 percent.

Samantala, hind naman masabi ngayon ni Leonen kung ibabalik na sa buwan ng Nobyembre ang prestihiyosong pagsusulit.