-- Advertisements --

Binuksan na ng Supreme Court (SC) ang applikasyon para sa 2025 Shari’ah special Bar exams (SSBE).

Magtatagal ito hanggang sa Pebrero 28, 2025.

Ayon kay 2025 SSBE chairperson, SC Associate Justice Antonio T. Kho, Jr., tanging sa BARISTA ihahain ang lahat ng mga aplikasyon. Ito ay maaaring ma-access sa pamamagitan ng Philippine Judiciary Portal (PJP).

Batay sa inilabas na Bar Bulletin No. 2 ng SC, ang mga applikante ay maaaring gumawa ng kanilang mga personal account sa PJP gamit ang kani-kanilang personal e-mail address

Kapag nakumpleto na ang kanilang applikasyon, kailangang makapag-upload ang mga applikante ng malinaw at nababasang kopya ng kaniyang kanilang mga suporting focuments.

Kabilang sa mga inisyal na listahan ng mga lugar na tinitingnang pagdarausan ng Shari-ah Bar ay sa Cagayan de Oro City, Davao City, Quezon City at Zamboanga City.

Maaari namang pumili ang mga examinee kung gusto nilang kumuha ng exam gamit ang English o Arabic language. Ang mga applikanteng pipili ng Arabic ay maa-assign sa isang testing center sa Quezon City.