Ipinag-utos ng Korte Suprema ang paglikha ng isang “specific channel” kung saan ang publiko ay maaaring magpadala ng “actionable information” laban sa mga justices, judges, at court personnel na lumalabag sa mga batas sa katiwalian at ethics rules.
Naglabas ng Memorandum Order No. 72-2024 ang SC na kung saan humihikayat sa publiko na magpadala ng mga impormasyon sa kanilang website kung may mga nalalaman itong kurapsyon na kinasasangkutan ng mga hukom at tauhan ng hukuman.
Kabilang na rito ang mga sangkot sa pangingikil at sa mga nanghihingi ng mga regalo o pabor mula sa mga litigant o mga tagapayo ng alinmang partido bilang kapalit para sa alinman sa positibo o negatibong resulta sa kanilang mga kaso sa korte.
Pasok sa mga specific violations ay ang money extortion, regalo o pabor para sa serbisyo ng pagproseso ng warrants, summons, writs of execution at iba pa.
Binalaan din ng SC ang mga abogadong lumalahok, nagpapayo, o nagpaparaya sa anumang uri ng katiwalian dahil nakatutok aniya ang SC para sa naturang usapin.