Handa umanong sundin ng Department of Energy (DOE) ang hatol ng Korte Suprema na nag-uutos na magkaroon ng bidding sa pagpili ng mga kasunduan na may kinalaman sa power supply ng bansa.
Ayon sa DOE, magsisilbing hamon din ito sa kanilang hanay para madaliin ang pagbuo ng mga bagong plano para sa pagtatayo ng mga bagong power projects.
“Now we can move on to the extremely urgent tasks at hand, particularly putting new power projects back on track to help augment the country’s power supply for 2020 to 2022.”
Sa ilalim kasi ng desisyon, lahat ng aplikasyon na inihain ng electricity firms sa Energy Regulatory Commission mula June 30, 2015 ay dapat ng dumaan sa competitive selection process bago mapili.
“We sincerely hope the Supreme Court ruling ushers in a new era in power procurement – an era of true competition, where all deserving power suppliers with efficient technologies, low rates, and fair contract terms are welcomed into the market.”
Nangako ang Energy department na tutupdin ang kautusan ng desisyon para masiguro rin ang transparency, gayundin na mura pero mapapakinabangan ng publiko ang pipirmahang kontrata.
Naniniwala ang DOE na malaking tulong ang desisyon ng korte para masuri kung ano pa ang kailangan ng mga power plant para mapanatili ang kanilang kapasidad sa serbisyo.
Nakahanda rin daw ang kagawaran na sabayan ito ng patuloy na monitoring at koordinasyon para sa mapanatili ang supply ng enerhiya ng bansa.
“These recent developments would help us evaluate how we could facilitate bringing in new capacities into the grid. We would also be keeping an eye out for those projects which could be completed faster and conduct a quick CSP to help fast track the process.”
“All these, of course, will be accomplished alongside an even more virgorous monitoring and coordination of the country’s power supply.”