-- Advertisements --

TUGUEGARAO CITY – Nasa panig umano ng kaso ni Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) ang desisyon ng Supreme Court (SC) na ilabas ang mga report hinggil sa Oplan Tokhang.

Ayon kay Atty. Egon Cayosa, incoming president ng Integrated Bar of the Philippines (IBP), kung makikita ng ICC na inaaksyunan ng mga otoridad ang mga reklamo ng umano’y extra judicial killings sa bansa dahil sa war on drugs ay maaaring hihina ang kasong crimes against humanity ng pangulo.

Ipinaliwanag niya na ang isang requirement para umusad ang kaso ay makikita ng ICC na gumagana ang justice system sa bansa kaugnay sa nasa 5,000 na napatay sa Oplan Tokhang.

Kung maaalala sa pahayag ng PNP, ang mga napatay na drug suspects ay dahil sa nanlaban daw ang mga ito sa mga isinagawang operasyon.