-- Advertisements --

Naniniwala si Defense Sec. Delfin Lorenzana na magkakaroon ng epekto sa iba pang mga applicant anuman ang magiging desisyon ng Supreme Court sa kaso laban kay Sen. Antonio Trillanes na binawi ang ipinagkaloob na amnestiya ng nagdaang administrasyon.

Sinabi ng kalihim na may epekto ito sa iba pang napagkalooban ng amnestiya dahil pareho ang kanilang sitwasyon sa senador.

Para sa opisyal, kung hindi man nasunod ang proseso sa amnesty ay nararapat lamang itong i-rectify.

Inamin din ng kalihim na hindi raw siya kinonsulta ng Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa isyu.

Wala din umano itong ideya kung ano ang motibo ni Solicitor-General Jose Calida sa pagkalkal ng files ng mambabatas.

Inamin din nito na tinawagan siya ni Calida noong Agosto 16 kaugnay sa pag-request nito ng mga dokumento ng amnesty ni Trillanes, pero hindi nito masabi binigyan ng kopya ang opisyal.

Ang tanging pagkakaalam lamang daw ng kalihim na may ipinadalang tauhan si Calida para magsaliksik sa amnesty application ni Trillanes.

Ipinauubaya na rin umano ng kalihim sa Supreme Court kung papaano nila resolbahin ang nasabing kontrobersya.

“I did not say I provided him any records. What I said was he asked me if we at DND have a record of amnesty of Trillanes and his group. I replied I don’t know as this happened in many years ago,” wika ni Lorenzana.

“I asked our JAGS to assist the SOLGEN. Solgen Calida sent one of his staff to the JAGS. The records that came out of DND were Proclamation 75 and the amnesty documents signed by Sec Gazmin. These were the records that the Office of the SOLGEN got from us. Later a Certification that there is no record of the amnesty Sen. Trillanes was also given by GHQ.”