Ginawaran ng Korte Suprema ng writ of amparo at habeas data ganun din ang temporary protection order sa dalawang environmentalist na sina Jonila Castro at Jhed Tamano.
Inakusahan ng dalawa ang mga militar na sila ay dinukot ng mga ito sa Bataan noong nakaraang taon.
Ang desisyon ay nilagdaan ni Associate Justice Ramon Paul Hernando kung saan nakita na nila an mayroong paglabag sa buhay, kalayaan at seguridad ng mga petitioner kaya nila inilabas ang nasabing desisyon.
Nakita rin ng Korte Suprema ang elemento ng sapilitang pagkawala kung saan dinukot sila ng mga armadong kalalakihan sa Bataan noong Setyembre 2.
Ipinaglalaban ng dalawa ang nagaganap na talamak na reclamations sa Manila Bay at ilang lugar bansa.
Nakita rin ng korte na isang banta sa kanilang kalayaan ang naging pahayag ni National Security Council (NSC) Assistant Director General Jonathan Malaya ukol sa paglabas ng mga impormasyo sa dalawa at pag-akusa sa kanila ng perjury.
Ang writ of amparo ay nagpoprotekta sa mga indibidwal sa kanilang karapatan na mabuhay , maging malaya at kapag ang nalabag ang kanilang segurida o pinagbantaan ng hindi tama ng mga public officials, employee o maging private entities.
Habang ang writ of habeas data ay pagprotekta sa karapatan ng isang tao na kontrolin ang impormasyon laban sa kaniya na iligal na nakuha.