-- Advertisements --
Hinamon ni Presidential Adviser on Poverty Alleviation (PAPA) Sec. Larry Gadon ang Korte Suprema na maging patas at makatarungan.
Ginawa ng kalihim ang pahayag kasabay ng paghahain nito ng disbarment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Gadon, susubukan niya ang Korte Suprema kung kayang ma-disbar si Duterte kagaya ng ginawang pagdisbar sa kanya noong nakalipas na taon.
Maghahain din ito ng impeachment case laban sa mga justices ng Korte Suprema kung hindi nila aaksyunan ang kanyang petisyon.
Hunyo ng nakalipas na taon ng maglabas ang Korte Suprema ng pinal na desisyon sa inihaing disbarment case ni Raissa Robles laban kay Gadon.