Hinatulan ng Korte Suprema ng habangbuhay na pagkakakulong ang dalawang human trafficker matapos na mapatunayang sangkot sa pagpoprostitute ng menor de edad.
Sa naging desisyon ng Supreme Court Second Division ibinasura nito ang ginawang apela Rizalina Janario Gumba at Gloria Bueno Rellama.
Pinagtibay ng korte ang naging unang desisyon ng Pasay City Regional Trial Court ng hatulang nitong guilty ang dalawa sa kasong may kinalaman sa paglabag sa ilang sections ng Republic Act No. 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act of
2003, na inamyendahan ng RA 10364 Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012.
Ang mga akusado ay floor managers umano sa isang bar sa Cavite na hinire nila ang apat na biktima.
Dalawa sa kanila ay parehong 15 anyos habang ang dalawa pang biktima ay 18 anyos at 20 anyos.
Matapos makatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad ay kaagad silang nagsagawa ng surveillance at nagpanggap ang mga ito bilang customer noong October 10, 2014.
Nilapitan umano ng dalawang suspect ang mga undercover agents at tinanong kung gusto makipagtalik sa kanilang mga babae sa VIP room sa halagang 1,500 pesos kada babae.
Kaagad na nagsagawa ng operasyon ang mga operatiba matapos makumpirma na mayroong nagaganap na prostitusyon sa lugar na nagresulta sa pagkaka aresto ng mga suspects.