-- Advertisements --

Hinatulang guilty ng Korte Suprema si Muntinlupa Regional Trial Court Judge Romeo Buenaventura sa simple miscounduct at neglect of duty sa paghawak ng high-profile drug case laban kay dating Sen. Leila de Lima.

Sa resolution na inisyu noong Nobiyembre 13, 2024, pinagmulta ng First Division ng SC si Buenaventura ng P36,000.

Mariing binalaan naman ng mataas na hukuman si Buenventura na sakaling maulit ang parehong paglabag o gawin ang parehong aksiyon, mas matinding parusa ang kaniyang kakaharapin.

Matatandaan na nag-ugat ang kaso laban sa Judge mula sa inihaing reklamo ng mga legal counsel ni De Lima na sina Atty. Teddy Esteban Rigoroso at Rolly Francis Peoro na inakusahan si Judge Buenventura ng paglabag sa judicial ethics at nagdulot ng pagkaantala sa ruling sa mosyong makapaglagak ng piyansa ang kanilang kliyente sa kaso kung saan inakusahan si de Lima na sangkot umano sa kalakalan ng iligal na droga.