-- Advertisements --

Guilty ang naging hatol ng Korte Suprema laban kay ex-atty. Larry Gadon para sa kasong Gross Misconduct.

Ayon sa korte, si Gadon ay naghain ng walang basehang criminal case laban sa ilang Supreme Court officials.

Inakusahan nito ang noo’y Chief Justice Maria Lourdes Sereno na nameke ng Supreme Court temporary restraining order na ibinasura naman dahil sa kawalan ng matibay na ebidensya.

Dahil dito, pinagmumulta ng korte si Gadon ng PHP 150,000 at hindi na ito maaaring mapag kalooban ng judicial clemency.

Samantala, hindi na nagpataw pa ng disbarment ang SC laban kay Gadon dahil una na itong napatawan ng naturang parusa.