Nagdesisyon ang Supremre Court (SC) nitong Biyernes na hindi kinakailangan ang extrajudicial demand, o kahilingan ng pagbabayad na ginagawa sa labas ng korte, bago magsagawa ng judicial demand, maliban na lang kung ito ay partikular na nakasaad sa batas o napagkasunduan ng mga partido.
Sa desisyon ng Korte Suprema sa 14-pahina, ipinagkaloob ng SC Second Division ang petisyon na isinampa ng isang condominium corporation laban kay Hsieh Hsiu-Ping, isang unit owner, at kay Edward Lim, na nakakuha ng unit sa pamamagitan ng bidding.
Ipinaliwanag ng desisyon na may karapatan ang isang creditor na magsimula ng foreclosure at humiling ng pambayad, sa pamamagitan man ng korte (judicially) o labas ng korte (extrajudicially), kapag ang utang ay due na.
Ang kaso ay nagmula sa hindi pagbabayad ni Ping ng P4.6 million sa mga association dues ng condominium nito, na nagresulta sa pagka-levy ng unit sa San Juan City.
Noong 2012, ang ari-arian ay ibinenta kay Lim, na siyang nag-bid sa unit. Matapos hindi na-redeem ni Ping ang unit sa loob ng isang taon ng redemption period, nag-isyu ang lokal na gobyerno ng deed na naglipat ng ari-arian sa nag-bid na si Lim.
Ang condominium ay nagsampa ng judicial foreclosure sa regional trial court, na nagsasabing tinanggap ni Lim ang mga dues ni Ping.
Nagpasya ang RTC na pabor sa condominium, ngunit binaligtad ito ng Court of Appeals (CA).
Gayunpaman, inaprubahan ng SC ang desisyon ng RTC, at nilinaw na ang foreclosure ay isang alternatibong remedyo para mangolekta ng halaga ng pera upang ipatupad ang obligasyon ng debtor.