Naghain ng petisyon si Election lawyer Romulo Macalintal sa Korte Suprema para pagbawalan ang mga opisyal na manatili sa posisyon kapag naging party-list nominee.
Sa 28 pahinang petisyon, ikinatwiran ni Macalintal na ang rule sa ilalim ng Comelec Resolution No. 11045 ay labag sa konstitusyon. Partikular na tinukoy nito ang Section 4, Article IX-B, na nagpapahintulot sa public officials na maging party-list nominees habang humahawak ng posisyon sa gobyerno.
Hiniling din ni Macalintal ang temporary restraining order para hindi ipatupad ang naturang patakaran sa 2025 midterm elections.
Nagbabala naman ang election lawyer na kung hindi makikialam dito ang Korte Suprema, magbibigay daan ang naturang patakaran ng Comelec sa mga matataas na opisyal ng gobyerno ng hindi patas na kalamangan.
Isa din aniyang pagkukunwari para sabihing hindi masasangkot sa electioneering o partisan political activity ang mga public official na nominado ng party-list.
Samantala, mahigit 2 linggo na lamang bago ang period ng paghahain ng certificates of candidacy para sa mga tatakbo sa 2025 midterm elections mula October 1 hanggang Nov. 9, 2024.