Ibinasura na ng Korte Suprema ang anim na civil cases kabilang ang ill-gotten wealth ng namayapang si Eduardo “Danding” Cojuanco Jr.
Ayon sa Third Division ng Supreme Court na ang nasabing kaso ay paglabag sa constitutional right ng due process at speedy disposition ng kaso labang kay Cojuangco Jr.
Inakusahan kasi nito ang Sandiganbayan na hayaang nakabinbin ang kaso ng 32 taon na walang pagdinig at anumang hakbang para ito ay tuluyang mabasura.
Ang kaso ay unang inihain noong Hulyo 31, 1987 at ito ay hinati ng Sandiganbayan sa walong kaso.
Natapos ang proceedings ng dalawang kaso habang ang anim na iba gaya ng hindi makatarungang paggastos sa Coco Levy funds ay walang anumang isinagawang pagdinig.
Magugunitang noong Hunyo 2020 ay pumanaw na si Cojuangco.