-- Advertisements --

Hindi pinaburan ng Korte Suprema ang inihaing motion for reconsideration ng Office of the Solicitor General kung saan hiniling nito na baliktarin ang naunang desisyon ng SC na tanggalin ang lalawigan ng Sulu bilang bahagi ng BARMM.

Batay sa naging desisyon ng kataas-taasang hukuman , walang matibay na batayan at bagong mga argumento ang mga petitioners .

Dahil dito ay pinanindigan ng SC ang kanilang naunang desisyon.

Kung maaalala, pumabor ang SC sa pag alis ng probinsya ng Sulu sa mga listahan ng mga lalawigang nakapaloob at sakop ng BARMM.

Giit ng Korte na kulang sa mga kinakailangang proseso ang batas na nagbilang sa lalawigan ng Sulu sa rehiyon.

Kamakailan nga ay naghain ang SolGen at mga opisyal ng BARMM. ng MOR sa SC.

Dahil sa pagbabasura ng mosyon, Final and Executory na ito .