Ibinasura ng Supreme Court (SC) na hindi ayon sa constitution ang isang probisyon ng 2018 Social Security System (SSS) Act na nag-uutos sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na magbayad muna ng kanilang kontribusyon bago sila pahintulutang makaalis ng bansa.
Sa isang 40-pahinang desisyon, ipinahayag ng SC En Banc sa Rule 14, Section 7 ng Implementing Rules and Regulations ng Republic Act (RA) No. 11199 na unconstitutional ito dahil labag aniya ito sa Sections 1 at 6 ng Article III ng Constitution.
Maaalalang ang RA 11198 (Social Security Act), na nilagdaan bilang batas ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ay nag-uutos sa lahat ng land-based na OFWs na mag-enroll at magbayad ng kontribusyon sa SSS bilang self-employed members, magbayad ng bahagi ng employer sa kontribusyon, at magbayad ng tatlong buwang kontribusyon nang maaga bago mabigyan ng Overseas Employment Contract (OEC).
Sinuportahan nito ang 2019 petisyon ng grupong Migrante International na nagsasabing ang probisyong ito ay lumalabag sa karapatan ng mga OFWs.