-- Advertisements --

Patuloy na iginigiit ng Supreme Court (SC) na hindi karapatan ng isang tao na basta tignan ang Statement of Liabilities and Net Worth (SALN).

Kasunod ito sa pagbalewala ng Korte Suprema sa kahilingan ng Office of the Ombudsman na luwagan ang paglabas ng mga dokumento.

Paliwanag ng SC na hindi absolute vested right ang pagtingin sa SALN ng isang public official kahit na ito ay nakapaloob sa right to access and information.

Base sa regulation na may karapatan ang custodian na maiwasan ang pagkasira o pagkawala ng record kapag nagalaw ang SALN ng mga government official.

Nagbunsod ang desisyon mula sa petisyon na inihain ng taxpayer na si Louis Biraogo noong Disyembre kay Ombudsman Samuel Martires dahil sa hindi nito pagbibigay ng kopya ng SALN ni Vice President Leni Robredo.

Sinabi kasi ni Maritires na hindi maaaring maipalabas ang SALN kapag hindi ito ipapaalam sa may-ari nito.

Nais kasi ni Biraogo na pag-aralan ang paggamit ng bise presidente sa mansion sa Quezon City na binabayaran mula sa buwis ng mamamayan.