-- Advertisements --

Inaprubahan ng Supreme Court (SC) ang patakaran para gawing simple ang expedite process para sa naturalization bilang Filipino citizens ng mga refugees at stateless persons.

Inisyu ng Korte Suprema ang naturang alituntunin alinsunod sa konstitusyon na inaprubahan sa isinagawang face to face full court session nitong Pebrero 15.

Sa bisa nito pinapayagan na ang electronic publication ng petisyon na inihain mula sa mga refugees at stateless persons.

Pinapayagan rin ang pagsumite ng petisyon ng unaccompanied child para maging Filipino citizen na maaaring ihain sa pamamagitan ng DSWD at local Social Welfare and Development Office na may kustodiya sa bata.

Ayon sa SC magiging epektibo ito 15 araw matapos ang publication sa pahayagan.