Hiniling ng Supreme Court sa Commission on Elections (Comelec) na magkomento sa petisyon ng voting technology provider na Smartmatic Philippines Inc. laban sa kanilang diskwalipikasyon para sa mga susunod na proseso ng bidding sa Automated Election System para sa 2025.
Ang poll body ay inatasan ng mataas na hukuman na isumite ang kanilang komento sa loob ng non-extindible na 10 araw mula sa notice.
Ang isang utos na magkomento ay bahagi ng mga pamamaraan ng mataas na hukuman sa paghawak ng mga kaso o petisyon.
Ang petisyon laban sa Smartmatic ay inihain nina dating information and communications technology secretary Eliseo Rio, retired colonel Leonardo Odoño at dating Financial Executives Institute of the Philippines president Franklin Ysaac at Agusto Lagman, sa Comelec noong Hunyo 15.
Ito ay matapos i-disqualify ng Comelec en banc noong Nobyembre 29 ang Smartmatic sa paglahok sa proseso ng bidding para sa hinaharap na automated elections ng bansa.
Hiniling naman ng Smartmatic sa SC na maglabas ng temporary restraining order sa desisyon ng Comelec noong Disyembre 11.
Una na rito, ang Smartmatic ay ang techonology provider para sa Pilipinas mula noong 2010 nang lumipat ang bansa mula sa manu-manong pagbibilang patungo sa automated elections.