-- Advertisements --

Inatasan ng Supreme Court ang mga korte partikular na ang mga Judges at Court Personnel sa bansa na kaagad na magpatupad ng working hour adjustment.

Ito ay dahil na rin sa nararanasang matinding init ng panahon sa buong bansa dulot ng El Nino.

Batay sa inilabas na Office of Court Administrator Circular 92 Series of 2024, bukas Abril 5 ay sisimulan na ang adjustment sa working hours.

Magsisimula ang mga trabaho sa korte alas 7 ng umaga hanggang alas 4 ng hapon.

Para naman sa mga magtatrabaho ng weekend, sila ay maaaring pumasok ng 7:30 am ng umaga hanggang alas 12 ng tanghali.