-- Advertisements --

Naglabas na ang Korte Suprema ng mga guideline para sa electronic filing ng mga kaso o pleadings.

Sa ilalim ng bagong panuntunan, hindi na aaksyunan ng mga trial court judges ang mga kaso o pleadings kung hindi muna nai-transmit o naipadala sa korte ang mga electronic copy ng mga dokumento.

Ayon kay Atty. Camille Sue Mae L. Ting, ang bagong guidelines ay inaprubahan ng Supreme Court para bigyang daan ang transisyon o paglilipat sa electronic filing bilang pangunahing paraan ng paghahain ng mga pleadings o kaso sa mga korte na nasa ilalim ng 1st at 2nd level.

Sa ilalim ng 1st level, kinabibilangan ito ng municipal trial court (MTC), municipal circuit trial court (MCTC), municipal trial court in cities (MTCC), at metropolitan trial court (MeTC).

Nagsisilbi namang 2nd level ang mga regional trial court (RTCs)

Magsisimula ang implementasyon ng bagong panuntunan sa September 1, 2024.