-- Advertisements --

Inutusan ng Korte Suprema en banc ang Kamara, Senado, at si Executive Secretary Lucas Bersamin na magsumite ng kanilang mga komento sa loob ng 10 araw hinggil sa petisyon na nag-aakusa sa kanila sa hindi pagkakatugma ng 2025 General Appropriations Act (GAA) sa saligang batas.

Ayon sa naging petisyon, na isinampa nina dating Executive Secretary Vic Rodriguez, Davao City 3rd District Rep. Isidro Ungab, at iba pang mga naghain ng petisyon, ay hindi umano sinunod ng bicameral committee ang Republic Act No. 12116, o ang GAA para 2025 fiscal year kung saan labag umano ito sa constitution ng Pilipinas.

Ayon sa mga petitioners, bigo umano ang batas na bigyan ng mandatory allocation fund ang Philhealth bagama’t ang pag increase din sa pondo nito ay nasa kamay na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung saan binibigyan ng higit na prayoridad aniya ang imprastruktura kaysa sa edukasyon.

Ipinahayag pa sa petisyon na ang ulat umano ng bicameral conference committee sa budget ay mga walang laman na item.

Samantala inaatasan ng SC ang mga respondent na magsumite ng kanilang komento sa loob ng hindi lalagpas na 10 araw mula ng matanggap ang abiso.