-- Advertisements --

Ipinag-utos ng Supreme Court (SC) en banc na ilabas na ang committee report sa resulta ng bilangan sa tatlong pilot provinces na iprinoprotesta ni dating Sen. Bongbong Marcos na sinasabing nagkaroon umano ng irigularidad sa halalan.

Partikular dito ang mga lugar ng Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental.

Ang committee report ay manggagaling sa revision committee ng SC na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET).

Kasabay nito, binigyan naman ng SC ang magkabilang kampo ng 20 araw na magkomento at magsumite ng memorandum kapag natanggap na ang resulta ng halalan.

Dahil dito, wala pang kongkretong aksiyon ang Korte Suprema sa poll protest ng dating senador.

Maalalang tatlong beses na ring naantala ang pagpapalabas sa desisyon kung papaboran o ibabasura ang draft ruling ni Caguioa sa naturang reklamo.

“In PET CASE No. 005 (Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr., Protestant, vs. Maria Leonor “Leni Daang Matuwid” G. Robredo), the Tribunal has decided to release to the parties the report on the revision and appreciation of ballots in the three pilot provinces, and for them to comment thereon. The Tribunal likewise required the parties to submit a memoranda on the various issues relating to the jurisdiction and other matters relating to the third cause of action, which is the annulment of election results for Vice President in the provinces of Lanao Del Sur, Basilan, and Maguindanao, within a period of 20 days from receipt of the notice. Justices Antonio T. Carpio and Alfredo Benjamin S. Caguioa dissented,” bahagi pa ng statement ng Supreme Court.