Inatasan ng Korte Suprema ang mga local government units (LGU) sa Metro Manila na sundin ang ginagawang single ticketing system (STS) ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) imbes na gumamit ng kanilang sariling traffic violation receipts.
Sa 42- pahina ng En Banc decision na kanilang pinagtibay ang sections ng mga iba’t-ibang traffic codes ng mga LGU na pinapayagan ang pagpapalabas ng ordinance violation receipts.
Nakasaad din sa kautusan ng korte na ang mga traffic enforcers ay hindi maaring mag-isyu ng OVR o mangumpiska ng mga lumalabag sa batas trapiko.
Maaari lamang nila gawin ito kapag sila ay deputized na ng MMDA.
Una ng sinabi ng MMDA na ang layon ng Single ticketing system ay para mapagkaisa na ang mga kasalukuyang batas trapiko sa Metro Manila.