-- Advertisements --
Isasara ng Korte Suprema ang lahat ng mga korte sa National Capital Region sa loob ng dalawang linggo dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Ito ang laman Administrative Circular na inilabas ni Chief Justice Diosdado Peralta sa pagsasara ng lahat ng korte mula Agosto 3 hanggang 14.
Lahat aniya ng mga transaksyon gaya ng raffle ng mga kaso sa mga korte ay gagawin electronically.
Puwede aniya lamang silang makontak sa mga social media. hotlnine numbers at email address.