-- Advertisements --
Oath Taking of Justice Jhosep Y. Lopez

Pormal nang nanumpa sa kanyang tungkulin ang ika-190 na mahistrado ng Supreme Court (SC) matapos italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Si Justice Jhosep Lopez ay nanumpa sa harap ni Chief Justice Diosdado Peralta sa En Banc Session Hall. 

Bago ma-appoint bilang mahistrado ng pinakamataas na korte ng Pilipinas, nagsibil Justice Lopez ng halos siyam na taon bilang Court of Appeals (CA) Associate Justice. 

Naging city prosecutor sa loob ng anim na taon bago ang appointment sa CA noong Mayo 31, 2012. 

Mula naman noong 1993 hanggang 2006, naging partner ito ng Lopez Rasul Maliwanag Baybay Palaran Law Offices. 

Naging city councilor sa Maynila mula 1992 hanggang 1998 at 2001 hanggang 2006. 

Naging legal counsel din siya sa ilang mga opisina gaya ng University of the Pholippines (UP) Diliman Office of Legal Affairs, UP Manila-Philippine General Hospital (PGH), Senado, legal consultant at city legal office ng Manila.

 Nagtapos itong cum laude na mayroong degree sa Political Science sa UP Diliman at dito rin nagtapos ng abogasya.

Pumasa ito noong 1988 Bar examinations na mayroong rating na 84.55 percent. 

Ipinanganak si Lopez noong Pebrero 8, 1963 sa Umingan, Pangasinan.

Sa taong 2033 pa ito nakatakdang magretiro o sa kanyang ika-70 kaarawan.

Dahil sa kanyang appointment ay kumpleto na ang 15-member roster ng SC.