-- Advertisements --

Nakikipag-ugnayan na ang  Supreme Court (SC) sa pamamagitan ni Chief Justice Diosdado Peralta sa National Task Force Againts Coronavirus disease 2019 (COVID-19) at Department of Health (DoH) kaugnay sa pagbili ng mga bakuna laban sa nakamamatay na sakit.

Kasunod na rin ito ng pag-apruba ng SC en banc sa P19 million na budget para sa covid vaccines na gagamitin sa 300,000 justices, judges, officials at employees ng hudikatura.

Agad namang ini-refer ng korte ang kanilang plano sa Procurement Planning Committee para sa kanilang kaukulang aksiyon.

Sa pamamagitan daw ng pagbakuna sa lahat ng judiciary employees lalong-lalo na ang mga nasa lower courts ay nangangahulugang mas mapoprotektahan ang mga ito laban sa naturang virus dahil ang mga litigans ang laging may direct contacts sa mga personalidad na posibleng mayroong covid. 

20210211 151714 1
20210211 151742 2

Naniniwala si Peralta na kapag ligtas ang mga abogado at court personnel ay sigurado umanong mas maganda rin ang pag-function ng mga korte at kanilang serbisyo ngayong pandemic.

Umaasa naman si Peralta na buo ang suporta ng pamahalaan sa kanilang pagbili ng bakuna lalo na’t mayroong mahalagang papel na ginagampanan ang hudikatura para siguruhing umiiral ang rule of law lalo na sa panahon ng krisis at national emergencies.

“We hope that the national government will assist us in our initiative considering the important role which the Judiciary plays in ensuring that the rule of law prevails especially during times of crisis and national emergencies,” ani Peralta.

Una rito sa isinagawang Court En Banc Session noong Enero 26, inaprubahan ng korte ang pagbili ng COVID-19 vaccines matapos ang rekomendasyon ng Office of Administrative Services (OAS), Fiscal Management and Budget Office (FMBO) at Office of the Court Administrator (OCA).

CJ SC peralta

Ang mga bakuna ay para sa lahat ng empleyado ng Supreme Court, Presidential Electoral Tribunal (PET), Court of Appeals (CA), Sandiganbayan, Court of Tax Appeals (CTA) at mga korte.

Maalalang nang pumutok ang covid pandemic, hindi na nagsayang ng oras si Chief Justice Peralta para komunsulta sa iba pang miyembro ng kataas-taasang hukuman kung paano nila tutugunan ang health concerns dulot ng COVID-19. 

Agad namang bumuo ng guidelines ang Korte Suprema para sa mga precautionary measure at bumuo rin ng task force na pinangungunahan ni Court Administrator Jose Midas Marquez.