-- Advertisements --

Naglabas ng panibagong kautusan ang Supreme Court (SC) para pansamantalang pigilan ang pag-disqualify sa ilang lokal na kandidato.

Batay sa isinapublikong temporary restraining order (TRO), hinaharang ng korte ang tuluyang pagbasura ng Commission on Elections (Comelec) sa kandidatura ni Francis Leo Marcos na tumatakbong senador.

Una na kasi siya bilang nuisance candidate para sa 2025 national and local elections.

Maliban kay Marcos, pinagbigyan din ang hiling na TRO ni Noel Rosal ng lalawigan ng Albay, kung saan tumatakbo ito bilang gobernador.


Dahil dito, ipinasasama na rin sa balotang ililimbag ng Comelec ang mga pangalan ng nasabing mga kandidato.

Bago ito, nabigyan na rin ang hirit na TRO ng iba pang tumatakbo sa ilan pang mga posisyon mula sa national hanggang sa local level.

Inaasahang marami pang isyung iaakyat sa korte mula sa mga syudad at probinsya, lalo’t 18,271 posisyon ang paglalabanan sa paparating na eleksyon.