-- Advertisements --
Naglabas ng kautusan ang Korte Suprema ukol sa pagkakaroon ng otoridad ng Energy Regulatory Commission (ERC) na maari nilang obligahin ang mga konsyumer na magbayad ng bill deposit bilang kasiguraduhan para sa singil sa kuryente.
Ang nasabing desisyon ay iniakda ni Senior Associate Justice Marvic Leonen matapos na tanggihan ang petisyon ni Neri Colmenares at ilang mga partylist group.
Base kasi sa petisyon ng grupo na kinukuwestiyon nila ang otoridad ng ERC na payagan ang distribution facilites gaya ng Manila Electric Company (MERALCO) na mangulekta ng bill deposit sa kanilang konsyumer.
Layon ng pagkolekta ng bill deposit ay para matiyak ang economic viability ng mga distributor ng kuryente.