-- Advertisements --

Naglabas ng Temporary Restraining Order ang Korte Suprema na nag-aatas sa Commission on Elections na baliktarin ang kanilang desisyon sa pagdiskwalipika sa tatlong lokal na kandidato sa 2025 midterm elections.

Batay sa inilabas na desisyon ng Korte Suprema, inatasan nito ang poll body na pansamantalang bawiin ang ipinataw nitong resolution na nag dismissed sa petisyon ni Marie Grace David na makapag substitute at mapabilang sa official list ng mga kandidato sa balota sa pagka bise mayor ng Limay Bataan.

Ipinapatigil rin ng SC sa Comelec ang pag-iimplemta ng resolution na nagdedeklara kay Mary Dominique Oñate bilang nuisance candidate sa pagka alkalde ng Palompon, Leyte.

Pansamantala ring pinakakansela ng Korte Suprema sa poll body ang pagiimplenta ng kanselasyon sa Certificate of Candidacy ni Aldrin Sta. Ana na tumatakbo bilang alkalde ang Bocaue , Bulacan at pagtanggal ng komisyon sa pangalan nito sa balota bilang opisyal na kandidato .

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, hindi pa sila nag reresume sa pag imprenta ng balota para hindi magkaroon ng problema sa pagsunod sa kautusan ng Korte Suprema.

Una rito ay naglabas rin ng kautusan ang SC na nag-aatas sa poll body na baliktarin ang desisyon nito na idiskwalipika si Edgar Erice sa pagtakbo bilang Kongresista ng Caloocan City at iba pang kandidato.

Paglalahad ni Garcia na aabot na sa P132 million ang halaga ng mga balota na nasayang.