Kinumpirma ng Supreme Court na bumuo ito ng karagdagang 35 Special Expropriation Court na layong mapabilis ang mga kasong may kinalaman sa National Railway Project ng gobyerno.
Ayon sa Kataastaasang hukuman, kabilang sa mga ito ay mga RTC na kinabibilangan ng National Capital Region, Third Judicial Region, Fourth Judicial Region, Fifth Judicial Region, at maging ang Eleventh Judicial Region.
Ito ay may mandatong dinggin ang mga reklamo na may kinalamang sa mga Railway Project ng pamahalaan.
Batay sa datos, pasok dito ang Metro Manila Subway Project, North-South Commuter Railway System, Mindanao Railway Project, at Philippine National Railway South Long Haul Project.
Naging epektibo naman ang nilikhang Special Expropriation Court noong June 18, 2024.
Inaasahang mabibigyang nito ng focus ang mga kasong na may kinalaman sa National Railway base na alinsunod sa Right of Way Act.