Ipinaalala ng Supreme Court sa mga nais kumuha ng Bar examinations ngayong 2025 na malapit na ang deadline ng pagsusumite ng mga aplikasyon na siyang huling araw na sa Lunes, Marso 17 ganap na 3:00pm ng hapon.
Ayon sa Office of the 2025 Bar Chairperson, Supreme Court Associate Justice Amy Lazaro-Javier, kailangang matiyak ng mga aplikante na naipasa at nasunod nila lahat ng kaukulang requiremens bago ang nakatakdang deadline.
Ito ay para maiwasan ang anumang aberya sa mismong applications maging sa mismong arw ng examinations.
Samantala, bukas naman ang opisina ng Office of the Bar Confidant Help Desk para sa mga katanungan at paglilinaw.
Mahigpit na paalala rin ng Korte Suprema na walang extension at pahabol sa magiging deadline ng bar applications.