Pinaalalahanan ng Korte Suprema ang mga litigante na maghain sa tamang korte ng kanilang petisyon para kilalanin ang kanilang foreign divorce sa Pilipinas at kanselahain o itama ang kanilang civil status sa local civil registry.
Ito ay upang maiwasan na ma-aksaya ang oras, pagsisikap, at resources ng mga ito at gayundin ng Korte Suprema.
Anila, maaari daw kasi itong agad na i-dismiss ng hukuman sakaling hindi naihain ang kanilang petisyon sa tamang korte at dahil na rin sa kawalan ng hurisdiksyon.
Samantala, ipinaliwanag naman ng Supreme Court, ang pagkansela ng entry sa civil registry ay kaiba sa pagkilala ng korte sa isang foreign divorce decree sa kadahilanang magkaiba raw kasi ito sa nature at governing rules and procedures.
Ngunit paglilinaw korte, ang dalawang ito ay maaaring isampa ng magkasama sa isang petisyon sa harap ng trial court kung saan nakarehistro ang mga dokumento sa kasal.
Tulad na lamang ng nangyari sa isa sa ating kababayan na nasayang ang lahat ng pagod sa paglalakad at pagsusumite ng mga dokumento at papeles na kailangan matapos na ibinasura ng SC ang kanyang inihain na petisyon para sa pagkilala sa kanyang foreign divorce and plea to annotate the divorce decree ng kanyang marriage records sa asawang Norwegian national sa isang regional trial court (RTC) nang dahil sa kawalan ng hurisdiksyon