-- Advertisements --
(c) Supreme Court | CMFR

Pinapurihan ng Commission on Human Rights (CHR) ang Korte Suprema kaugnay ng utos nito na ilabas ang mga reports na may kinalaman sa war on drugs campaign ng administrasyon.

Ayon kay CHR spokesperson Atty. Jacqueline de Guia magsisilbing paalala ito sa pamahalaan para panatilihin ang rule of law sa gitna ng tumaas na bilang ng mga biktima ng human rights violations.

“The Commission on Human Rights sees this directive as a reminder to the government to observe the rule of law in the face of rising human rights violations,” ani De Guia.

Naniniwala ang tagapagsalita na susi ang pagiging transparent sa pagtuklas ng katotohanan sa likod ng mga kaso ng pagkamatay.

“It is only through greater transparency that we can ascertain the truth behind the circumstances leading to these killings and possibly make every perpetrator accountable for their offenses against the right to life among others,” dagdag pa nito.

Magbibigay daan din daw ito para pagpapanagot ng mga salarin.

Nauna ng sinabi ni Malacanang na tatalima sila sa kautusan ng Kataas-taasang Korte.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo nasa kamay pa rin ng Office of the Solicitor General (OSG) kung aapela ito sa desisyon ng mga mahistrado.

Batay sa utos ng Supreme Court, inatasan nito ang OSG na i-release ang mga kopya ng police reports na may kinalaman sa kampanya kontra iligal na droga.

Ito’y kaugnay sa hiling ng dalawang grupo na ideklarang unconstitutional ng korte ang madugong kampanya ng gobyerno laban sa ipinagbabawal na gamot.