Nanindigan ang Korte Suprema na may kapangyarihan ang Energy Regulatory Commission na atasan nito ang kanilang mga consumers na magbayad ng bill deposits bilang security para sa kanilang mga bayarin sa kuryente.
Sa inilabas na 32 pahinang desisyon ng SC, iginiit nito na ang pagpapatupad ng bill deposits bilang security para sa kanilang mga bayarin sa kuryente ay valid.
Ito ay pagpapatupad rin ng rate-fixing power ng ERC para tiyakin ang economic viability sa kanilang distribution utilities.
Inilabas ng Korte Suprema ang desisyon kasunod ng pagbasura nito sa petition na humahamon sa ERC dahil sa pagpayag nito sa mga distribution utilities na kinabibilangan ng Manila Electric Company na kumulekta ng bill deposits sa kanilang mga consumers.
Sa ilalim kasi ng Magna Carta for Residential Electricity Consumers, minamandato ang mga residential consumers na magbayad ng bill deposits bilang katiyakan sa pagbabayad nito ng kanilang bayarin sa kuryente.
Una nang naglabas ng guidelines ang ERC sa pagpapatupad nito nito noon pang 2007.
Ayon sa SC, sa inihaing petisyon ng mga petitioners ay non-justiciable at ito ay maituturing na paglabag lamang sa doctrine of hierarchy ng korte.
Kung maaalala, iginiit ng mga petitioners na ilegal ang ilang probisyon ng bill deposits sa ilalim naman ng Magna Carta.