Pinabulaanan ng Korte Suprema ang maling impormasyon na ang artificial intelligence ang susuri sa 2023 Bar examinations.
Nilinaw ng Korte Suprema na ang subjects ng pagsusulit ay susuriin ng apat na expert examiners na lahat aniya ay established experts sa kani-kanilang larangan.
Napag-alaman na sa isang online platform group page na tinatawag na “Bar Law for Dummies Training Program” at isang account na “Tzidkenu Dizon” ang nagpakalat umano ng maling impormasyon.
Kinondena naman ng Office of the Bar Chair ang naturang gawain at inilarawang hindi totoo, walang basehan, iresponsable, mapanirang puri, kasuklam-suklam at formulated.
Sinabi ding ng ahensiya na ang naturang disinformation ay may malinaw na layuning siraan ang integridad ng digitalized Bar examinations.
Ayon pa sa ahensiya, matapos ang inisyal na imbestigasyon, mayroon na silang hawak na pagkakakilanlan ng administrator ng mga accounts at gumagawa na ng kaukulang hakbang ang korte laban sa mga indibidwal na nasa likod ng pagpapakalat ng maling impormasyon.