-- Advertisements --
Inatasan ng Korte Suprema ang pumanaw na negosyanteng si Herminio Disni na magbayad ng P1.01 bilyon bilang bayad damyos sa gobyerno dahil sa naganap na kurapsyon sa Bataan Nuclear Power Plant (BNPP).
Sa botong 12-0 ay binago nito ang naunang utos ng Sandiganbayan noong 2012 na pinagbabayad si Disini ng $50.58 milyonna komisyon na kaniyang nakuha sa Burns and Roe at Westinghouse Electrical Corp.na makuha ang kontrata ng proyekto.
Ayon sa mga huwis na naunang desisyon ng Sandiganbayan ay walang basehan kaya dapat magbayad ito ng P1 bilyon sa temperate damage at P1 milyon sa exemplary damages na nagkakaroon ng interest ng 6% kada taon.
Si Disini na pumanaw na noong 2014 ay asawa ng pinsan ni dating First Lady Imedla Marcos.