-- Advertisements --

Ibinasura ngayon ng Supreme Court (SC) ang petisyon ng isang kumpanya na kumukuwestiyon sa desisyon ng Court of Appeals (CA) sa isang kasong pinagdesisyunan ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Sa siyam na pahinang resolution na inapload sa SC website, tuluyang ibinasura ng First Division ng Korte Suprema ang petition for review na inihain ng SKK Steel Corporation dahil umano sa kabiguang magpakita ng ano mang reversible error sa bahagi ng CA.

Pinagtibay naman ng SC ang desisyon ng CA noong 2014 na nagbabaliktad sa 2013 order ng ERC na nag-aatas sa National Grid Corp. of the Philippines (NGCP) na i-refund sa SKK Steel Corp. ang P18 million na halaga ng ancillary charges.

Sa desisyon ng CA noong 2014, isinantabi nito ang ERC order at nagbigay ng direktiba sa NGCP na magbayad ng P8 million sa halip na 18 million Sa SKK Steel Corp.

Dahil dito, iniakyat naman ng SKK Steel Corp. ang kaso sa kataas-taasang hukuman at sinabing ang findings ng ERC ay dapat mabigyan ng malaking respeto ng appellate court (CA) dahil sa area of expertise ng ERC sa field ng energy laws.