-- Advertisements --

Pinagtibay ng Korte Suprema (SC) ang paghahanap ng probable cause ng Ombudsman laban sa convicted plunderer na si Janet Lim-Napoles at iba pa kaugnay ng 2007 Priority Development Assistance Fund (PDAF) ni dating Davao del Sur Rep. Douglas Cagas na nagkakahalaga ng P16 milyon.

Sa desisyon noong Disyembre 7, sinabi ng kataas-taasang hukuman na ibinasura nito ang petisyon na inihain ni Napoles at mga opisyal ng Department of Budget and Management (DBM) na humamon sa findings ng Ombudsman ng probable cause para sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Article 212 , 217 ng Revised Penal Code (RPC).

Ito ay dahil walang nakita ang Korte na matinding pang-aabuso sa discretion o pagpapasya para makagambala sa paghahanap ng Ombudsman ng probable cause.

Binigyang-diin din ng SC na ang Ombudsman ay may malawak na awtoridad sa pag-iimbestiga at pag-uusig ng mga kaso sa loob ng nasasakupan nito.

Nag-ugat ang kaso mataposmaglaan umano ang dating kongresista ng pondo mula sa kaniyang PDAF sa umano’y non-government organizations (NGOs) na kontrolado ni Napoles katulad ng Countrywide Agri and Rural Economic and Development Foundation, Inc., at ng Philippine Social Development Foundation, Inc.

Ang mga diverted funds na inilaan para sa mga ghost project, ay inilipat mula sa DBM patungo sa Technology Resource Center.