-- Advertisements --

Pinalawig ng Korte Suprema ang preventive suspension nina Judge Albert T. Cansino at empleyadong si Mariejoy P. Lagman ng Pasay City Regional Trial Court Branch 108 habang patuloy ang imbestigasyon sa kanilang pagkakasangkot sa isyu ng panunuhol.

Tinanggap ng Korte Suprema ang rekomendasyon ng Judicial Integrity Board na unang nagsagawa ng pagsisiyasat sa issue.

Matatandaang inilagay sa preventive suspension ang huwes noong Mayo 28, 2024, matapos paghinalaang tumanggap ng P6,000,000 mula sa isang litigant kapalit ng paborableng desisyon sa isang kasong administratibo.

Layunin umano ng suspensyon na maiwasang maimpluwesyahan ni Cansino ang anumang proseso ng imbestigasyon, maging ang mga taong bahagi ng naturang usapin.