Pinagpapaliwanag ng Supreme Court (SC) ang senado dahil sa pagpapalabas nila ng arrest warrant laban kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy.
Ayon kay SC spokesperson Camille Ting , na normal proseso lamang ang paghingi nila ng komento mula sa Senado matapos na humirit ng temporary restraining order ang kampo ni Quiboloy.
Binigyan nila ng 10 araw ang senado para sa nasabing komento para sa petisyon ganun din ang prayer para sa pagpapalabas ng TRO at writ of preliminary injunction.
Inilabas ang kautusan ng SC noong Abril 3 at magsisimula lamang ang 10-araw kapag natanggap na ng senado ang order.
Sinabi naman ni Senator Risa Hontiveros na siyang namuno sa imbestigasyon kay Quiboloy na hinihintay pa lamang nila ang kopya mula sa SC.