-- Advertisements --

Posibleng talakayin na ng Korte Suprema ngayong araw, Peb. 18, ang petisyong humihiling na i-compel ang Senado na simulan kaagad ang impeachment trial laban kay VP Sara Duterte.

Ayon kay SC spokesperson Camille Sue Mae Ting, kahapon ay na-raffle ang naturang petisyon at posibleng ngayong araw ay mapapabilang na ito sa agenda ng SC, kasama ang iba pang petisyon.

Maalalang inihain ang naturang petisyon noong Pebrero-14 sa pangunguna ni Catalino Generillo Jr., dating Presidential Commission on Good Government special government counsel.

Sa petisyon ng grupo ay hinihiling ng mga ito na pumasok na ang SC at pilitin ang Senado na agad simulan ang trial dahil sa hindi pinapayagan ng saligang batas na idelay ito, kahit pa naka-break ang Mataas na Kapulungan.

Hiniling ng grupo na agad mag-constitute ang Senado bilang isang impeachment court para litisin na ang pangalawang pangulo.