-- Advertisements --

Pinaalalahanan ngayon ni Supreme Court (SC) Court Administrator Midas Marquez ang lahat ng mga trial courts na manatiling impartial at non-partisan sa pag-isyu ng search warrants ngayong election season.

Ayon kay Marquez, posible raw kasi itong gamitin ng pulitiko sa kanilang mga kalaban sa pulitika.

Pinaalalahan din niya ang mga huwes na huwag magpagamit sa mga pulitiko sa nalalapit na halalan.

Dapat din umanong siguruhin ng korte na nasa hurisdiksiyon nila ang mga reklamo bago mag-isyu ng search warrant.

Una rito, lumabas ang mga report na nagagamit ng mga pulitiko ang mga huwes para ipahuli o gipitin ang kanilang kalaban sa pulitika.