-- Advertisements --

Tatanggap na ang Korte Suprema ng aplikasyon para sa 2025 Bar Examination simula Enero-8.

Batay sa announcement na inilabas ng SC, magtatagal ito hanggang Marso-17, 2025.

Ayon sa SC, kailangang makumpleto ng lahat ng mga applikante ang kanilang profile, application form, uploaded digital copy ng mga documentary requirement, at magbayad ng P12,800 application fee sa pamamagitan ng Bar Applicant Registration System and Tech Assistance (BARISTA), ang nagsisilbing online platform ng SC.

Para sa mga bagong applikante, dati nang kumuha ng pagsusulit, at mga refresher na wala pang account sa BARISTA, maaaring magparehistro ang mga ito sa pamamagitan ng portal.judicialry.gov.ph

Batay sa polisiya ng SC, kapag natanggap na ang notice of approval, kailangang maisumite ng mga applikante ang printed at signed copy ng kanilang application form, kasama na ang physical copy ng mga mandatory requirement sa Office of the Bar Confidant (OBC).

Ang pagsusumite nito ay sa loob ng sampung araw matapos matanggap ang notice of approval.

Ang 2025 Bar exams ay nakatakdang isagawa sa Sept. 7, 10, at 14 sa pangunguna Associate Justice Amy Lazaro-Javier na magsisilbing chair.