-- Advertisements --

Tinanggihan ng Supreme Court (SC) ang petisyon ng Caloocan City na hinahamon ang constitutionality ng Malabon Charter kung kaya’t ang desisyon ay premature at dapat munang maresolba sa lokal na antas.

Sa desisyon na binaba ni Associate Justice Antonio Kho Jr., inutusan ng Second Division ng korte ang Caloocan at Malabon na lutasin muna ang kanilang hidwaan sa teritoryo base sa mga procedure ng Local Government Code.

Ang naturang petisyon ay matapos magsampa ang Caloocan para sa declaratory relief, na nagsasabing ang Section 2 ng Republic Act 9019 ay unconstitutionally dahil binago umano nito ang hangganan ng teritoryo ng Caloocan nang walang plebisito.

Ayon sa pamahalaang lokal ng Caloocan, nilabag ng Malabon ang Article X, Section 10 ng Constitution, na nag-uutos sa isang boto para sa mga pagbabago sa mga barangay.

Sumagot naman ang Malabon na ang mga disputed na lugar ay hindi kailanman naging bahagi ng Caloocan.

Gayunpaman ang Regional Trial Court (RTC) pabor sa Caloocan at sinabing ang Malabon City Charter ay kulang ang plebisito nito.

Ngunit, binawi ng Court of Appeals ang desisyon ng RTC at sinabi na ang hidwaan ay dapat munang maresolba ng mga konseho ng parehong lungsod.

Pinagtibay ng SC ang desisyon ng Court of Appeals at sinabi na ang direktang pagsampa ng Caloocan sa RTC ay hindi tama sa naging proseso.

Sa kabila ng desisyon, nananatiling i-ginigiit ng Caloocan na ang Barangay 160 at 161 ay bahagi ng kanilang lungsod.