-- Advertisements --
Nagkasundo ang mga mahistrado ng korte suprema na kanilang reresolbahin sa loob ng dalawang taon ang mga kaso na dumating kanilang opisina mula Abril 5 pataas.
Sinabi ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo na nagdesisyon ang mga kapwa niya justices na sa loob ng 24 buwan ay kanilang reresolbahin ang lahat ng mga petisyon, kaso na naihain sa Korte Suprema mula Abril 5, 2021.
Hindi naman nito ikinaila na ang nangungunang problema ng judiciary ay ang delay sa disposition ng kaso kaya naapektuhan ang paningin ng ibang tao sa korte at ang proseso nito.
Iginiit na isa sa short-term goals nito noong maupo ay ang mabilisang pagresolba ng mga kaso.