-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Tuluyan nang binasura ng Korte Suprema ang mga petisyon na humihiling na ibasura ang Anti-Terrorism Act of 2020.
Sa En Banc deliberation sa Baguio City ng mga mahistrado ng Supreme Court (SC), ibinasura ang mga inihaing motions for reconsideration ng mga petitioner.
Ibinase ng SC En Banc ang desisyon sa anila’y kakulangan ng substantial issues at argumento na inilahad ng petitioners.
Kung maalala, noong December 7, 2021 nang unang magpalabas ng desisyon ang kataas-taasang hukuman na nagbabasura sa mga petisyon ng ilang mga mambabatas, militanteng grupo at ilang non-government organizations.