-- Advertisements --

Sinalakay ng National Bureau of Investigation (NBI) cybercrime division ang isang gusali na nagsisilbing scam hub sa lungsod ng Makati.

Isinagawa ang paglusob ng mga otoridad nitong madaling araw ng Sabado.

Aabot sa 17 mga dayuhan na pinaniniwalaang sangkot sa iba’t-ibang scamming ang naaresto.

Nakakumpiska rin ang mga otoridad ng mga computers, sim cards, cellphones at mga notebooks kung saan nakasulat ang mga scripts ng mga suspeks panloloko.

Base sa imbestigasyon ng NBI na ilang araw nilang minanmanan ang lugar bago isagawa ang operasyon.

Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang naarestong suspek at inaalam kung sino pa ang mga ibang kasamahan nila.