-- Advertisements --
Itinalaga bilang tourism ambassador ng Pilipinas si Scarlet Snow Belo.
Sa social media ng apat-taong gulang na internet star, makikita na kasama niya si Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat at ibang opisyal ng DoT.
May caption pa ito na pagbanggit niya ng slogan ng DOT na “It’s More Fun in the Philippines”.
Nagpost din ng social media ang kalihim habang kasama si Scarlet na siyang pinakabata at advocate ng Philippine tourism.
Anak ng celebrity doctors na sina Vicki Belo at Hayden Kho si Scarlet kung saan sila rin ang nagma-manage ng kaniyang social media account na mayroong mahigit 3.4 million na followers.